Magaling na rin syang makisama sa kapatid nya. Ayaw na ayaw nyang nasasaktan ang baby girl namin at kung hawak ang favorite nyang laruan hindi na nya eto inaagaw. Kaya minsan nakakatuwang isipin na baka delay lang talaga at wala talagang autism. Sana nga lahat ng ito ay isang panaginip lang at sana isang araw paggising ko ay isang normal na bata na may maraming kwento.
Tuesday, May 31, 2011
Gareth Milestone
It's been a month since Gareth attended OT. Ang daming naging improvement sa kanya. Marunong na syang kumain mag isa at natatawag na namin at nakikinig na sya. Dati kapag nasa restaurant kami mabilis sya mainip pero ngayon marunong na syang maghintay. Hindi na rin namin sya kailangang bigyan ng laruan habang naghihintay at nakakaya na talaga nya. Dati din kapag manunuod kami ng movie na kasama sya, hindi sya napapakali sa upuan. Ngayon nakaupo lang sya at nanunuod. Hindi ko lang alam kung naintindihan nya ang napanood nya kasi hindi sya katulad ng ibang bata na nagkwekwento ng napanood nya. Well, as long as he is behaving well, sobrang okay na sa amin yon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment