Thursday, February 24, 2011

Initial Testing

Finally nakapagset na rin kami ng schedule for initial testing kaya excited kami kanina na pumunta. Umabot din ng 1 hour ang initial testing. Hindi naman kasama si Gareth sa loob ng room, maraming tanong ang assistant ng Dev Pedia from the start na binuntis ko si Gareth at hanggang ngayon. May mga tanong about sa genetics, food intake, pregnancy and developments. Minsan kapag may tanong napapatulala ako kasi parang may ibang tanong na kailangan ko pang i-recall yong developments nya.

Ang final test nya nakasched on March 31 at sana meron mas maagang magcancel para mas mapaaga kami.

About his development, madami na syang sinasabi lately at mostly English. Hindi sya masyadong nagsasalita ng tagalog.

I also encourage him to talk, kung may gusto sya hindi ko na agad binibigay. Kinakausap na talaga namin sya ng madalas. Sana tuloy tuloy lang ang development nya.

No comments:

Post a Comment